Meron akong nakilalang guest speaker sa Enrichment Program namin sa school. Noong una, akala ko isa na namang boring na pep talk about society ang topic namin. So syempre lumabas muna ako ng auditorium para kumain. Pagbalik ko nakapagstart na pala. To my surprise, nakuha agad ng speaker ang attention ko. Kasi napakainteresting ng sinasabi nya. About life, goals, and achievements. The very one thing na kailangang kailangan ko dahil sa mga pinagdadaanan ko.
May short autobiography yun speaker for the sake or sharing. Para daw makarelate kami sa kanya. Ang dami nyang baon na jokes, nakakatawa pa rin siya kahit hindi siya nagjojoke at may sense ang lahat ng sinasabi nya. Yun tipong alam mong hindi sya nambobola o nagiimbento. In all fairness naman, ramdam ko na marami o halos siguro lahat kaming mga fourth year students from different courses eh nakarelate sa story nya.
Na ang buhay ay dapat may direksyon. Dapat maaga pa lang magtanim ka ng goals para kapag nagawa mo na yun, may achievements kang makukuha agad. Pero dahil sa generation natin ngayon lahat na yata ang gusto instant! Sana tatandaan mo din palagi na hindi lahat pwede mong makuha agad-agad! It doesn't happen over night so be patient and persevere to achieve your dreams. Kailangan mo lang palaging lumaban at labanan lahat ng challenges o problema. Kasi kahit ano pang gawin mo, panghinaan ka man ng loob, sabihin mo pa na masakit na at nasasaktan ka o hindi mo na keri, tuloy-tuloy pa rin naman ang pag-ikot ng mundo. Hindi naman titigil ang oras para hintayin ka. Kaya kahit sisihin mo pa ang Nanay at Tatay mo, ang mga kapatid mo, professor mo, kapitbahay mo o yun best friend mo dahil feeling mo hindi ka nila tinulungan, kung hindi ka lalaban sa buhay ikaw pa rin ang talo. Sa huli, ikaw rin ang naiwan. Oras at mga pangarap mo ang nasayang. At higit sa lahat, for the second time around, ikaw ang talo!